Singil na P500 para makapagparehistro sa National ID, fake news- PSA

CAMARINES NORTE- Tinawag na “fake news” ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang hinggil sa kumakalat umanong usap- usapan na mayroong bayad na P500 para sa pagpaparehistro sa National ID.

Ayon Mary Jane Laviña, Focal Person ng Philippine Identification System o PhilSys sa Camarines Norte, may mga nakakarating kasi umanong ganitong impormasyon sa kanila hinggil sa di umano’y P500 na bayad.

Hinimok ni Laviña ang publiko na huwag maniwala sa fake news dahil libre umano ang pagpaparehistro sa National ID.

Inihayag din nito na tumatanggap na ng walk in applicant ang PSA Provincial Office kahit saang barangay dito sa Daet.

Wala na raw kasi halos nagpaparehistro dahil akala ng iba ay mahaba ang pila.

Aniya, ang nakikitang mahabang pila ay hindi sa PSA kundi ang mga humihingi ng tulong sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na katabing opisina ng una.

Maaari rin umanong makipag appointment on line sa pamamagitan ng pag register sa philsys.gov.ph

Available na ang online booking appointment sa mga bayan ng Basud, Daet, Jose Panganiban, Labo, Mercedes, Paracale, Sta Elena at Vinzons.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *