Brgy Cotmon sa Camalig, Albay isinailalim sa granular lockdown re: COVID-19 surge

BICOL—Nakasailalim ngayon sa granular lockdown ang Barangay Cotmon sa bayan ng Camalig, Albay dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Dahil dito, naglatag ng disease surveillance ang Municipal Health Emergency Response Team (MHERT) sa nasabing barangay bunsod ng pagtaas ng kaso at pagkasawi dahil sa coronavirus sa naturang lugar.

Inatasan rin nito ang mga barangay representatives na i-mobilize ang mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) para sa pagsasagawa ng contact-tracing operations.

Upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, tinututukan ngayon ng MHERT ang pagpapaigting sa barangay-wide pandemic response nito sa pamamagitan ng istriktong monitoring sa Persons Under Monitoring (PUMs) at Persons Under Investigation (PUIs), agarang pagsalang sa swab test sa mga frontliners, at regular na pagbibigay ng health care services at gamut sa mga residenteng tinamaan ng sakit. Bunsod nito ay ibinaba ng LGU ang Executive Order No. 42 o “An Order Implementing a Granular Lockdown in Brgy. Cotmon, Camalig, Albay” na layuning mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19 sa komunidad.

Sa ngayon, mayroong 45 aktibong kaso ng sakit ang bayan ng Camalig kung saan lima nito ay mula sa Barangay Cotmon.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *