Sitio Kapihan ng Soccoro Bayanihan Services Inc. – pinasasara na ng DENR

Inanunsyo na ng Department of Environment and Natural Resources ang kanselasyon ng Protected Area Community-Based Resource Management Agreement (PACBRMA) nito kasama ang Socorro Bayanihan Services Incorporated.

Sa isang press briefing, sinabi ni Sec. Loyzaga na nakikipagtulungan na sila sa DSWD at SDN provincial government sa reintegration at resettlement ng mga apektadong occupants.

Kaugnay nito ay may nahanap na rin daw silang maliit na area kung saan maaaring magtayo ng bahay para sa mga ito.

Samantala, ibinahagi rin ng ahensya na iniintindi nila ngayon ang multisectoral advisory council na binubuo ng environmental experts upang pag-aralan ang status ng mga protected areas sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *