So.Cot, naghatid ng relief assistance sa ibang probinsya na tinamaan ng kalamidad

KORONADAL CITY- NAGPAABOT ng tulong ang provincial government ng South Cotabato sa mga pamilya na naapektuhan ng 6.8 magnitude na lindol sa Saranggani province. Ang relief operation sa bayan ng Malapatan at Glan ay pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pamumuno ni OIC Rolly Aquino.

Kabilang sa mga ipinamahagi ng mga ito ang 600 sets ng Hygiene Kits at Food Packs. Ang bawat munisipyo ay nakatanggap ng 300 sets. Samantala, naghatid din ng relief assistance ang PDRRMO sa probinsya ng Capiz na labis naapektuhan ng pagbaha kamakailan lang dahil sa ulan dala ng shearline. Una nang inihayag ni Governor Reynaldo Tamayo Jr na handa ang probinsya na magbigay ng ayuda sa mga lugar na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *