Rank No. 1 MMWP na itinuturing din na No. 5 PMWP, arestado

Kulungan ang bagsak ng 59-anyos na magsasaka na itinuturing ng Irosin MPS na kanilang No. 1 most wanted person at No. 5 provincial most wanted person ng SPPO.

Ang akusado na si Dominador Despuig Careso, may asawa at naninirahan sa Brgy San Pedro, Irosin ay hinainan ng kanyang warrant of arrest hapon noong Biyernes, Disyembre 1sa nasabing barangay.

Si Careso ay nahaharap sa kasong 6 counts of Statutory Rape sa sala ni Judge Tobias Arriola ng RTC Br55, Irosin, Sorsogon na walang itinakdang piyansa.

Nasa kustudiya ito ng himpilan ng Pulisya at hinihintay na lang ang commitment order na ibababa ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *