SOGIESC Equality Bill, aprubado na ng House panel

Kasabay ng selebrasyon ng Pride Month ngayong Hunyo, tiniyak ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagkilala sa araw-araw na hamon na kinahaharap ng mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, and Intersex (LGBTQI) community.

Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na ang naturang mga hamon ay mula sa pinakamaliit na microaggressions, hanggang sa mga large-scale acts ng pang-aabuso gaya ng harassment, at violence.

Binibigyang-diin din ng ahensya na ang diskriminasyon ay mas nakikita sa mga sektor na namumuhay nang walang batas na pumoprotekta.

Dahil dito, winelcome ng CHR ang pagkaka-apruba ng Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression, or Sex Characteristics (SOGIESC) Equality Bill ng House Committee on Women and Gender Equality.

Nakasaad sa naturang pahayag na sa kabila ng napakaraming setback, umaasa ang komisyon na ang nangyaring development ay simula na ng pagsulong ng panukala na para maging ganap na batas. //SM, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *