Mas lumaki pa ang kontribusyon ng turismo sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2022 sa gitna ng muling pagbubukas ng domestic at international borders kasabay ng pagrekober ng mundo sa COVID-19 pandemic.
Batay sa Philippine Statistics Authority, ang direct gross value added (TDGVA) ng turismo sa gross domestic product (GDP) ng Pilipinas ay nasa 6.2%.
Mas mataas ito sa 5.2% TDGVA noong 2021.
Mababatid na nasa halagang P1.38 trillion ang share ng turismo sa 2022 GDP, na 36.9% na mas mataas mula sa P1 trillion noong 2021.
Maliban dito, tumaas din ang employment sa tourism industries noong nakaraang taon sa 5.35 million, mula sa 4.9 million noong 2021. //SM, edited MHEL PACIA