SoKor, nadiskubre ang unang kaso ng pinakabagong version ng Omicron na XL

Inanunsyo ng Korea Disease Control and Prevention Agency na nadiskubre sa South Korea ang kauna-unahang kaso ng Omicron recombinant variant na XL.

Ang XL patient na nagpositibo noong March 23, ay boosted ng third dose, walang bagong travel history at nagpakita ng mild disease.

Ang XL ay isa sa halos 17 kumbinasyon ng dalawang sublineages ng Omicron na BA.1 at BA.2 na siyang dominant outbreaks sa buong mundo.

Matatandaan na noong Enero, nadiskubre ng Korea ang kanilang unang anim na kaso ng BA.2 na tulad ng BA.1 ay naging dominant.

Sinabi naman ng KDCA na ang incidence ng recombinant Omicron variants ay mababa sa kanilang bansa sa kabila ng “substantial monitoring.” //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *