Solemn na Traslacion Procession sa Naga City hiling ng simbahan

NAGA CITY- Solemn na prosisyon ang hiling ng simbahan sa paparating na  Traslacion Procession sa Biyernes, Sept. 8, 2023.

Ayon kay Fr. Glenn Ruiz , Director ng Archdiocesan Liturgical Commission manalangin sa prosisyon, hiling din sa mga voyadores na iwasan nang umakyat sa andas ni Inang Peñfrancia at estandarte ni El Divino Rostro. Kasama na kase sa mga eksena tuwing Traslacion pati  Fluvial ang pag-akyat upang makahawak sa mga imahe, ang iba sa kanila iwinawagayway pa ang damit sabay sigaw.

Kamakailan dumaan sa seminar ang mga miyembro ng Cofradia de San Jose at Siervas de Maria sa tamang galaw pero marami naman ang hindi dumaraan sa formation na mga voyador.

Samantala , bawal magdala ng malalaking bag para sa seguridad. Kung mapupwede ay rosaryo at panyo.   Well-coordinated ang simbahan sa pulisya upang ligtas ang mga pilgrims.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *