Solon, pinahihigpitan ang batas vs vote-buying

Isinusulong ngayon ng isang mambabatas ang isang panukala na layong patawan pa ng mas mabigat naparusa ang mga nasa likod ng ‘syndicated vote-buying’ at ang ‘cyber-vote buying’.

Inihain ang panukalang ‘Integrity of Suffrage Act of 2022’ na layong amyendahan ang Section 261 ng Omnibus Election Code.

Sa ilalim nito, ang sinumang mapatutunayang sangkot o nasa likod ng sindikatong pagbili ng mga boto ay mahaharap sa pagkakakulong ng hindi bababa sa limang taon at hindi hihigit sa 10 taon.

Kaparehong parusa rin ang haharapin ng mga masasangkot sa tinatawag na ‘cyber-vote buying’ – isang uri ng pagbili ng boto gamit ang mga information and communication technologies gaya ng websites, software, at applications para naman sa online banking at money remittances.

Ayon kay sa may-akda ng bill na si Quezon City Rep. Alfred Vargas, napapanahon nang amyendahan ang umiiral na batas lalo na’t marami na ngayon ang mga makabagong modus at istilo sa pagbili ng boto.

Dagdag pa nito, karamihan aniya sa mga sindikatong nasa likod ng vote buying ay isinasagawa pa sa mismong operation center ng mga kandidato ang ganitong modus.

Itinatago aniya ang vote-buying activities nila bilang mga kunwaring pa-ayuda, subsidya, o ‘di kaya’y scholarship.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *