Tatlong taong pagka-tengga ng minimum wage sa ibang rehyon, pinuna

Muling kinalmpag ng ilang mga mambabatas ang Gobyerno na madaliin na ang bigyan na ng usad ang mga umiiral na petisyon para sa umento sa sahod sa ibang mga rehyon.

Sa pahayag, sinabi ni Senadora Risa Hontiveros na masyadong makupad ang response sa mga petisyon at higit na naaapektuhan ang mga Pilipino sa delay na idinudulot nito.

Ipinunto ng mambabatas na tatlong taon na raw walang adjustment sa regional minimum wages – gayong tuloy naman sa pagtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin kagaya ng pagkain, transportasyon, kuryente, at iba pa.

Git nito, oras na raw para tignan at pag-aralan ang adjustment sa sahod lalo na’t kulang na kulang na ang sinasahod ng isang pamilyang Pilipino kung ikukumpara sa mga gastusin nito.

Hindi aniya makatarungan na sa loob ng huling dekada, tumaas ang productivity ng mga manggagawa, habang tuloy naman sa pagbaba ang purchasing powers ng normal na Pilipino.

Sa huli, sinabi ng Senadora na napapanahon na raw para unahin naman ang kapakanan ng mga manggagawa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *