Song Joong Ki , in a relationship na isang non-showbiz British woman

In a relationship na sa isang non-showbiz British woman ang South Korean star na si Song Joong Ki matapos ang tatlong taong divorced.

Sa ilang ulat , kasama ni Joong Ki ang British Woman sa Singapore noong December 7 para i-promote ang kanyang bagong K-Drama at ipinakilala pa ito sa kanyang mga staff.

Kahapon,  December 26 ay naglabas na  ng opisyal na pahayag ang talent agency ng Korean star at kinumpirma na siya’y in a relationship na.

Bukod sa nagde-date ang dalawa, wala nang ibang impormasyon na nabanggit ang talent agency tungkol sa lovelife ng aktor.

Taong 2017 nang ikinasal sina Joong Ki at  South Korean actress Hye Kyo sa Seoul, South Korea, pero noong 2019 ay nag-divorce na sila.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *