Soreco 2 nagpaliwanag sa mga dahilan ng patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente sa lalawigan

SORSOGON CITY – Muling nagpaliwanag sa harap ng konseho ng Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon ang pamunuan ng Sorsogon II Electric Cooperative o SORECO 2 kaugnay sa pagtaas ng singil sa kuryente sa lalawigan.

Sa kanyang pagbisita sa regular session nitong Martes, sinabi ni OIC General Manager Sheryl Yanesa na walang kinalaman rito ang kooperatiba at hindi dapat sila ang sinisisi sa naturang problema.

Paliwanag ng opisyal pandaigdigan ang isyung kinasasangkutan ng kuryente sa lalawigan dahil sa fuel cost na epekto ng girian ng bansang Russia at Ukraine na nakakaapekto umano sa FOREX dahil sa imported ang ginagamit na coal ng kooperatiba kung saan halos 65% ng energy source sa bansa ay ito ang ginagamit.

Dagdag pa ng opisyal, wala silang ginalaw sa lahat ng charges na kayang ipataw ng kooperatiba habang ang per kilowatt hour naman sa binabayaran ng bawat member consumer ay base sa rekomendasyon ng Energy Regulatory Commission o ERC at hindi ng mismong kooperatiba.

Bilang tugon nangako ang opisyal na bagama,t nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng kuryente, babawi na lamang umano sila sa pamamagitan ng magandang serbisyo na sa ngayon ay pinagsusumikapan nilang maihatid sa bawat household.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *