SORECO II umapela ng maayos na koordinasyon ng mga member consumers na nais sumailalim sa recomputation at reassessment ng electric bills

SORSOGON CITY – Umapela ng tulong ang pamunuan ng Sorsogon Electric Cooperative II o Soreco II sa Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon hinggil sa pagkakaroon ng maayos na koordinasyon ng mga member consumers na nais sumailalim sa re-computation at re-assessment ng kani-kanilang electric bills.

Sa impormasyong nakuha ng Brigada News Fm sa naganap na regular session ng nasabing konseho noong Martes nais ng Soreco II na abisuhan ng Sangguniang Panlungsod ang mga mamamayan gawing pormal ang paglalatag ng reklamo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng maayos sa kanilang opisina.

Hiniling ito ng kooperatiba dahil madami pa rin sa mga mamamayan ang ipinapaabot ang reklamo ng mataas na electric bill sa pamamagitan ng social media.

Kaugnay nito, napagkasunduan ng konseho na magsasagawa ito ng abiso sa publiko hinggil sa mas maayos na pakikipag-ugnayan sa nasabing kooperatiba upang matugunan ang kani-kanilang mga reklamo. // Meljessa Balino

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *