Sorsogon, nakapagtala ng mababang bilang ng fully vaccinated; DOH regional director,  umapela

SORSOGON CITY – Nakapagtala ng mababang bilang ng mga fully vaccinated sa pagtatapos ng buwan ng Marso sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) noong nakatalikod na linggo, nakapagtala ng halos 65 porsyento ng fully vaccinated ang lalawigan, 5 porsiyentong mas mababa kaysa hinihinging target.

Sa kabuuan, may mababang turn-out umano sa vaccination campaign ang rehiyon, dahilan para magpatawag ng press conference ang ahensya.

Umapela naman si DOH Regional Director Ernie Vera dahil umano sa pagiging poor performer ng rehiyon, salungat sa mga nakaraang kampanya sa pagbabakuna kung saan madalas itong nangunguna.

Sinabi nitong may posibilidad na magkaroon ng surge ang rehiyon dahil dito, o kaya naman ay may bagong variant na magsimula.

Sa huli, sinabi nitong ibinibigay na umano ng gobyerno ang lahat ng kailangan, kung kaya panawagan nito sa Local Government Units (LGU’s), provincial DOH personnel, at sa general public na seryosohin nang muli ang pagpapabakuna para maiwasan ang sisihan sa huli.

      

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *