Silid-aralan na itinayo ng ph-us forces sa san francisco alicia, isabela; ipinasakamay na

Ipinasakamay na ngayong araw, April 4, 2022 ang itinayong paaralan ng mga kasapi ng US Forces at Armed Forces of the Philippines sa ilalim ng Balikatan 37-2022 Engineering Civic Action Program sa barangay San Francisco Elementary School Alicia, Isabela.

Dinaluhan ito nina BGen. Danilo Benavides, Commander ng 502nd Infantry Brigade, Col. David Morrison, Commanding Officer ng 3rd Civil Affairs Group, IS Marine Corps, SDO Isabela, LGU Officials at Barangay Officials.

Sa kaniyang mensahe ay inihayag ni BGen. Danilo Benavides ang pasasalamat sa US forces sa pagtatayo ng naturang proyekto na nagpapakita ng malalim na ugnayan ng Philippine Army at US Army.

Sinabi pa nito na sana ay maging inspirasyon ito ng mga magulang sa kanilang mga anak sa kanilang pag-aaral.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang Schools Division Office of Isabela sa pamamagitan ni Dr. Jess Antonio, sa pagkakaloob ng bagong silid-aralan na pangunahing kailangan ngayong muling pagbubukas ng new normal face to face classes.

Samantala, sa panayam naman ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Head Teacher Jessica Delacruz, natutuwa sila sa panibagong silid-aralan na ipinagkaloob sa kanila ng Balikatan 2022.

Aniya, napapanahon ito lalo pa’t inaasahang magkukulang sila ng classroom dahil kailangang sundin ang guidelines ng DepEd na limitadong bilang lamang ng learners kada silid aralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *