Spillover mula sa Hamas, binabantayan ng DND

Patuloy na mino-monitor ang Department of National Defense sa posibleng spillover o copycat effects ng mga grupo na sumusuporta sa Hamas sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ni DND Secretary Gilberto Teodoro Jr., na walang bansa ang exempted mula sa panganib ng terorismo, kaya’t mahalaga aniya na laging naka alerto ang militar.

Hinikayat din ni Teodoro ang publiko na maging mapanuri at tumulong sa militar upang mapigilan ang anumang surprise attack tulad ng ginawa ng Hamas sa Israel.

Samantala, sinabi pa ng DND chief na handa sila sa posibleng repatriation ng overseas Filipinos na nais bumalik sa bansa dahil sa umiiral na kaguluhan sa Israel at Palestine.

Nauna nang sinabi ng AFP na mayroon na silang inihandang evacuation plan para tulungan ang pag-uwi ng mga overseas Filipinos na naapektuhan ng digmaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *