Spoelstra, planong magsagawa ng basketball event sa PH

Plano ni Miami Heat head coach Erik Spoelstra na magsagawa ng basketball event sa oras na muli itong bumisita sa Pilipinas.

Ayon kay Spoelstra, makakasama sa event si Filipino-American guard Jalen Green.

Maliban kay Green, maari ring isama sa laro ang isa pang Filipino-American guard na si Jordan Clarkson maging ang NBA legend na si Dwyane Wade.

Matatandaan na noong 2011, nasa Pilipinas si Spoelstra, para sa NBA FIT program.

Si Spoelstra, ay pinangalanan kamakailan na 15 all-time greatest coaches sa NBA. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *