SRA administrator Serafica, nagresign na rin matapos ang sugar importation mess

Nadagdagan pa ang mga opisyal na nagsisipag-resign sa gitna ng mga nagpapatuloy na imbestigasyon hinggil sa kontrobersya ng pag-iimport ng 300,000 metric tons ng asukal sa kabila ng disapproval dito ni Pangulong Bongbong Marcos.

Tinanggap na ng Office of the President ang resignation ni Sugar Regulatory Adminstrator Hermenegildo Serafica.

Sa ilalim ng liham ng OPS sa pamamagitan ni Executive Secretary Vic Rodriguez, naging epektibo ang pagbibitaw ni Serafica sa puwesto.

Si Serafica ay dumalo pa kahapon sa joint-briefing ng House Commitees on Good Government and Public Accountability at ang Agriculture and Food.

Maliban sa SRA Administrator, una nang nagbitiw sa puwesto si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian na signatory ng ‘unauthorized order’ para sa importation ng asukal.

Sumunod naman sa serye ng resignation si Atty. Ronald Beltran, board member ng SRA, dahil sa ‘heath reasons’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *