SSS hinimok ang mga retiradong pensyonado na i- avail ang PLP

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Social Security System (SSS) ang mga retiradong pensyonado na i- avail ang Pension Loan Program (PLP).

Hindi kasi tulad ng pribadong lending institution ay hawak pa rin ng pensioner ang kanilang ATM at magagamit pa rin ang portion ng pensyon sa daily subsistence.

Sa panayam ng Brigada News FM kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo inanunisyo nito na pwede nang mag apply online sa PLP lalo na ang mga una nang nag -avail basta naka register sa my.sss.

Nilinaw ni Robredo na hindi pa naman sa ngayon compulsory ang online application at maaari pa rin namang mag apply over the counter.

Gayunman ang ang mga magre- renew ay online na ang pag apply.

Ang PLP ay pautang ng SSS sa mababang interest rate para makatulong sa pangangailangang pinansiyal ng mga retiradong pensyonado .

Ani Robredo wala pang isang porsiento ang interest sa isang buwan dahil  10 percent lang ito per annum bukod pa sa kalakip na insurance sakaling mamatay ang pensioner.

“Yung sa private hindi ko naman po dine- degrade ba, yung mga  private lending institution for pensioners kundi ipinapakita ko lang po yung pros and cons na kung dito kayo sa SSS minimal amount of interest 10 percent per annum, i- divide mo yan sa 12 lalabas lang po na 0. 83 per month,” ani Robredo.

“And then may insurance po yan na kalakip para just in case po si pensioners natin na nag- avail ng loan binawin ng buhay automatic hindi niya ipapasa ang burden to pay sa maiiwan niyang mga beneficiaries, so automatic mapu- fully paid po yun so yung surviving espouse pwede pa po maka- avail nung death claim so one hundred percent ang makukuha niya.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *