Vice Ganda, naloka sa umano’y fake news ng TV5

Tinawag na ‘Super yuck’ at ‘mema’ ni Vice Ganda ang showbiz report ng TV5 na nagsasabing nagkaayos na umano sila ng aktres na si Marian Rivera matapos ang kanilang dating iringan.

Sa kanyang Twitter account ay i-shinare ng Filipino comedian/TV host ang link ng video ng naturang report na tinawag niyang fake news.

Burado na ngayon ang naturang video ngunit may mga netizens na nakapag-screen recording nito.

Ha??????!!!!!!!!!!! San galing ang balitang to?????? Nagkaissue kami? Iringan??!!!!! Pauso! Yuck! Super yuck! Mema???!!! caption ni Vice sa ishinare na Twitter post.

Dagdag pa nito na isang clickbait, fake news at t*e ang naturang report.

Super kadiri yung mga balitang mema! Eeeooooowwwwww!!!! Clickbait???!!!! Fake news????!!!! TAE! dagdag pa nito.

Una rito ay nag-trending ang meet and greet video nina Vice at Marian sa The Preview Ball 2022.

Laman ng naturang showbiz report na nag-ugat ang iringan ng dalawa nang ukrayin ni Vice ang grammar ni Marian.

Samantala, humingi naman ng tawad ang reporter na si MJ Marfori at sinabing hindi niya istorya ang report.

“I apologize. I was just surprised and caught off guard that I was tagged in the story. I didn’t mean to offend.” reply ni Marfori sa Tweet ni Vice.

Tanong naman ng netizen, bakit pangalan niya ang nasa prompter kung hindi niya ito report.

“Hi Vice, will investigate and send this to our producers.” reply sa Tweet naman ng news anchor na si Gretchen Ho.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *