SSS humihingi ng listahan ng mga business establishment sa mga LGU para matiyak na sumusunod ang mga ito sa batas

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Social Security System (SSS) na sinisiguro nito ang compliance sa batas ng mga business establishment kaya humihingi ang opisina ng listahan ng mga ito sa mga nakakasakop na Local Government Unit.

Ayon kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo, nagsasagawa ng mapping ang Accounts Management section ng SSS sa iba’t- ibang bayan upang masiguro na ang mga establishment na inisyuhan ng business permit ay sumusunod sa batas na magrehistro ng kanilang employer at mag remit ng contributions.

Ayon naman kay Accounts Management Section Head Myrna Emata sa sandaling makuha na nila ang listahan ng mga business establishment mula sa LGU ay nagkakaroon sila ng data matching sa kanilang database para makita kung alin sa mga establishment ang hindi rehistrado at nagre- remit sa SSS.

Tiniyak din ng SSS na hindi lang sila nagdedepende sa mga isinusumite ng mga LGU kundi sila mismo ay nag- iikot at nagsasagawa ng inspeksyon.

Matatandaan na noong nakatalikod na linggo, 8 employer dito sa Daet ang sinilbihan ng ng notice of violations sa isinagawang Run After Contribution Evadres o RACE.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *