Gender reveal ng magkasintahang miyembro ng LGBT, kinakiligan ng mga Netizens

Kinakiligan ng mga netizens ang viral gender reveal party ng magkasintahang sina  Denzel Batocabe at Charlene Rivera na bahagi ng LGBT + Community.

Masayang ibinahagi kasi ni Batocabe at Rivera na lalaki ang kasarian ng kanilang magiging anak na pitong buwan na palang ipinagbubuntis niu Rivera.

Kuwento ni Batocabe, wala talaga sa plano nila na magdaos ng naturang party.

Ngunit marami aniya ang nagpadala ng cake, pagkain, at mga dekorasyon kaya napagpasyahan na nilang magkaroon ng selebrasyon na dinaluhan naman ng malalapit nilang kaibigan at pamilya.

Noong una plano lang sana nilang mag-ipon muna para sa kanilang kasal ngunit naudlot ito dahil naunang mabuntis si Rivera.

Ayon sa magkasintahan, handa silang gabayan ang kanilang magiging anak  at handa rin silang ipaliwanag dito ang kanilang kasiraan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *