Street food vendors sa Naga City, apektado na rin ang kita ngayong tag-init

NAGA CITY- Apektado na rin ng mainit na panahon ang kita ng mga street food vendors sa Naga City partikular na ang mga nakapwesto sa labas ng City Hall.

Ang 15 taon nang street food vendor na si Luisa Perito, aminadong hirap sa pagbebenta ng mga paninda ngayong mainit ang panahon dahil na rin sa kakulangan ng mga mamimili. Hindi katulad noong may face-to-face to classes pa kung saan nagiging ensayuhan ng mga estudyante ang labas ng City Hall.

Hindi man gaanong mabenta ang street food, nakakabawi naman siya sa samalamig at at ib apang inumin ngunit hindi pa rin sapat sa panggastos araw-araw lalo na’t mag-isa niya na lamang na itinataguyod ang dalawang nag-aaral na anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *