Lalaki sa USA ginawan ng Death Certificate ang sarili para makaiwas sa sustento

KAKAIBA ang naging hakbang ng isang lalaki na si Jesse Kipf, 39-anyos mula sa USA matapos niyang ma-access ang death registry system ng kaniyang lugar.

Dahilan para gawan niya ng Death Certificate ang kaniyang sarili para ipalabas na siya ay pumanaw na para makaiwas umano sa responsibilidad gaya ng pagbibigay ng sustento sa kaniyang pamilya.

Dahil dito nahaharap sa patong-patong na kaso ang naturang supsek.

Nakuha umano ng suspek noong January 2023 ang login details mula sa isang doctor para makapasok sa nasabing sistema.

Napagalaman din na hindi lang iyan ang kaniyang na-hack sa pagkat ilang mga pang private business at iba pang malalaking networks ay kaniya na ring nakuha ang mga kani-kaniyang log-in credentials. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *