Sulat ng rebelasyon, nadiskubre mula sa CAFGU member na tumalon di umano sa barko

Tumindi pa ang pagdududa ng pamilyang naulila ni Bobby Zayco, 39- anyos, CAFGU member matapos na tumalon di umano habang sakay ng barko sa Araceli, Palawan.

Nadiskubre kasi ng pamilya ang sulat o liham ni Bobby na ibinigay nito sa isang anak na kasama niya rin sa barko bago ang insidente.

Nakitang palutang-lutang ang katawan ni Bobby sa Barangay Binduyan, Puerto Princesa City noong April 3.

Sumakay ito ng MV Isabel ng Montenegro Shipping Lines noong March 23, 2024 at pauwi sana sa pamilya sa Barangay Bago, Don Salvador Benedicto, Negros Occidental.

Nais magpa-imbestiga ng pamilya sa awtoridad at kay Sen. Raffy Tulfo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *