Sulfur Dioxide mula sa Taal, hindi malalanghap sa mga karatig na probinsya at Metro Manila PHIVOLCS

Nilinaw ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na hindi malalanghap ng mga tao ang sulfur dioxide na ibinubuga ng Bulkang Taal.

Ito ay matapos mapaulat na umaabot na sa Metro Manila at sa ilang karatig na probinsya ang sulfur dioxide na galing sa bulkan.

Sinabi ni Solidum na ang pwede lang makalanghap ng sulfur dioxide ay ang mga residente na nasa loob ng high risk areas na 7 kilometers ang distansya mula sa main crater.

Ipinunto ni Solidum na pinalikas na ng lokal na pamahalaan ang mga residente mula sa mga natukoy na barangay sa Laurel at Agoncillo.

Dagdag ng PHIVOLCS director, masyadong mataas ang distansya ng sulfur dioxide para ito ay malanghap ng tao at sa ngayon ay papunta na ito sa Southwest na direksyon dahil sa ihip ng hangin.

Ibig sabihin anya, ay palayo na sa Metro Manila ang nakalalasong hangin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *