Natanong ng aktres na si Bea Alonzo kung kailan sila magkikita muli ni John Lloyd Cruz matapos ang kanilang paglipat sa GMA Network.

Isa sa mga pumatok na pelikula ng dalawa ay ang One More Chance kung saan ay tumatak ang mga karakter nila sa mga fans na sina Popoy at Basha.

Sa Instagram account ni GMA Films president Antonette Gozon-Valdes ay makikita ang pag-video call ni Bea kay John Lloyd.

Mapapanuod naman sa sumunod na post ni Gozon-Valdes ay sinabi ni Bea kay John Lloyd, “makikita ba kita dito?”

Nang sabihin ni Anette kay Bea na “hilain mo na” ay makikita na nilapit ng aktres ang kamay nito sa screen at sinabi kay John Lloyd, “lika na”.

Ibinahagi naman ni Bea na meron nang nilulutong teleserye para sa kanya ang GMA, ngunit hindi niya pa ito pwedeng sabihin kung ano.

Mababatid na bukod kina John Lloyd at Bea, ay nakalipat na rin sa GMA ang mga celebrities na sina Beauty Gonzalez, at Pokwang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *