Sundalo’t kapatid nito—arestado sa buy-bust operation sa Cagayan de Oro

Inaresto ng mga otoridad ang magkapatid na negosyante at isang sundalo sa buy-bust operation sa Purok 6, Brgy. Puerto dito sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Kinilala ang magkapatid na suspek na sina Jose Sevilla, 42-taong gulang at si Angelo Sevilla, 25 taong gulang, parehong mga negosyantre at residente sa nasabing lugar.

Habang nahuli rin sa operasyon si Private First Class Jhon Mark Salditos, 28-anyos, may asawa, dating miyembro ng Philippine Army.

Sa imbestigasyon, inihayag ni Puerto Police Station 6 Investigator Police Staff Sergeant Rey Ceasar Ramos, nahuling nag pot session sina Angelo Sevilla at PFC John Mark Salditos.

Sa kabuuan, dalawang gramo ng shabu ang nakumpiska ng pulisya mula sa mga suspek at tinatayang nagkakahalaga ito ng 13,600 pesos.

Kaugnay nito, nilinaw ni 4th Infantry Division Philippine Army Spokesperson Major Francisco Garello Jr. na ang sundalong inaresto ay nag AWOL na noong Agosto 12, 2022 at tuluyan tinanggal sa serbisyo noong Nobyembre 29, 2022.

Una nang nag positibo sa surprise drug test si Salditos noong aktibo pa ito sa serbisyo.

Nakakulong ngayon ang tatlong suspek sa Puerto Police Station 6 at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *