Sunog sumiklab, daan-daang bahay natupok

Masaklap ang araw ng Huebes ng nasa 149 na pamilya matapos na sumiklab ang malaking sunog na ikinasugat ng isang residente hindi kalayuan sa sementeryo sa Summerhill, Brgy. San Roque,Zamboanga City kahapon ng umaga.

Ayon sa pahayag ni Punong Barangay ng Brgy. San Roque Nonoy Delgado na walang iniulat na namatay sa naturang sunog na nag-umpisa dakong alas-11:00 ng umaga at mabilis na kumalat dahil pawang gawa sa light materials ang ilan sa mga bahay sa naturang lugar.

Sa ulat ni Fire Officer 1 Jimfirst Natividad ng Zamboanga Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-11:00 ng umaga nang magsimulang sumiklab ang sunog sa  bahay na pagmamayari ni Tala Bernardo at ng kanyang pamilya.

Dakong alas-01:30 na ng hapon nang maideklarang fire under control ang sunog at tuluyang naapula pagsapit ng alas-01:45 nang hapon.

Sa kasagsagan ng sunog, isang babae ang naiulat na hinimatay sa nangyaring insidente.

Tinatayang aabot sa 100 na kabahayan ang tinupok ng apoy sa naturang sunog at may 149 pamilya o 606 indibiduwal ang naapektuhan nito.

Napag-alaman na ang sanhi ng sunog na tumupok ay dahil sa iniwan kalan sa may kusina na tumupok sa tinatayang P600,000  na halaga ng mga ari-arian sa nasabing lugar.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa Multi purpose Covered Court at Talungon sa Brgy. San Roque. Guen Delos Santos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *