Sunshine Cruz, bumuwelta sa isang netizen matapos siyang tawaging ‘lola’

Binuweltahan ng 44-anyos na aktres na si Sunshine Cruz ang isang netizen matapos siyang tawaging ‘lola’.

Sinabi ng actress na hindi dapat gawing ugali at gamitin ang salitang ‘matanda’ para insultuhin o tawagin ang isang tao dahil lamang sa edad nito.

Ayon pa kay Cruz, proud siya sa edad niya. Malusog umano ito at masaya siya sa buhay niya.

Pinasaringan naman niya ang ‘basher’ na kumain umano ito upang magkaroon ng nutrisyon sa katawan at pag-iisip. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *