Sunshine Dizon, sumailalim sa ilang oras na MRI scans dahil sa neck pain

Ibinunyag ni Sunshine Dizon na sumailalim siya sa ilang MRI scans na nagtagal ng limang oras, matapos makaranas ng pananakit sa kanyang leeg.

Ibinahagi ng aktres ang pagsailalim sa naturang procedure, habang ipinapakita ang larawan kanyang braso na mayroong naka-kabit na IV tube na naka-inject dito.

Ilan sa mga dinaanan nito ay lumbar, cervical at bilateral shoulder MRI with contrast under sedation.

Sinabi naman ni Dizon na nakakaranas na siya ng back at cervical pain noong mga nakaraang taon, at sa katunayan, ang huli umano niyang MRI ay noong 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *