Suplay ng basic medicine pinatitiyak ni Sen. Go

Pinatitiyak ni Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na tiyakin hindi magkakaroon ng aberya sa suplay ng basic medicine sa merkado.

Ginawa ni Go ang pahayag matapos mga report na nagkaubusan ng paracetamol at iba pang gamot para sa ubo at sipon noong nakaraang linggo.

Ayon sa senador dapat masigurong tuloy-tuloy ang suplay ng mga gamot at accessible lalo na sa mga mahihirap.

Mahalaga ayon Go na magawa ito lalo ngayon na tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 cases at mas maraming mga Pilipino ang mangangailangan ng gamot.

Maliban dito pinatitiyak din nang mambabatas sa DOH na hindi mawawalan ng suplay ng gamot ginagamit para sa COVID-19 patients.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *