Suporta at tamang pangangalaga, kailangan ng mga taong may sakit na Alzheimer’s ayon sa DOH-Bicol

BICOL – BINIGYANG-DIIN ngayon ng Department of Heath Bicol ang kahalagahan ng pagbibigay ng suporta at tamang pangangalaga sa mga taong nakakaranas ng Alzheimer’s disease.

Kasabay ang pahayag na ito ng ahensya sa paggunita ng Alzheimer’s Disease Awareness Week simula Setyembre 21 hanggang 25.

Paliwanag ng DOH-Bicol, ang Alzheimer’s disease ay isang progressive neurologic disorder na nagdudulot ng pag-urong o pag-liit ng utak ng tao (atrophy) at ang pagkamatay ng brain cells.

Ito rin ay ang pinakakaraniwang sanhi ng dementia o ang tuluyang paghina ng pag-iisip, kilos, at social skills na nakakaapekto sa kalusugan ng tao, lalo na ng matatanda.

Wala umanong lunas ang Alzheimer’s Disease na isang klase ng degenerative na sakit o lumalala kalaunan at walang anumang paraan para maibalik pa sa normal na kapasidad ang parte ng katawan na naapektuhan.

Base sa monitoring ng ahensya, tinatayang nasa 11 milyong mga indibidwallsa buong mundo ang tinamaan ng sakit na ito.

Nagiging “total dependent” din umano ang isang pasyente na nasa late stage kung kayat lalong higit na mas nangangailangan ng pag aruga at pag alalay ng kapamilya o tagapag-alaga.

Paglilinaw din ng DOH, ang sakit na Alzheimer’s disease ay hindi nakakahawa o namamana kung kaya’t hindi dapat iwasan o kutyain ang mga taong may sakit nito sa halip ay suportahan at unawain ang kanilang kondisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *