Suporta sa mas mabilis at maayos na food production, pinagtibay ng PPA at DA

Pinagtibay ng Philippine Ports Aurthority (PPA) at Department of Agriculture (DA) ang kanilang ugnayan para mapagaan ang ecological impact sa sektor ng agrikultura at pangingisda.

Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, kabilang sa partnetship ang mga usapin ng pagtugon sa mga hamon sa transportasyon at pag-iimbak ng agricultural products sa pamanagitan ng PPA ports.

Kasabay nito, binigyang-diin ni Santiago ang kahalagahan ng pagkakatoon ng mahuhusay at maaayos na pantalan upang makagawa ng epektibong logistics at mabilis na delivery at distribusyon ng mga produkto gamit ang mechanization at modernization.

Ang pinagtibay na ugnayang ito aniya ay upang masuportahan ang mga hakbang para mapalakas ang produksyon ng pagkain, at mamodernisa na ang agriculture sector sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *