Taas-pasahe sa PUV, hindi pa napapanahon ayon sa LTFRB

Sa gitna ng pag-usad ng PUV Modernization Program, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wala pang batayan para ipatupad ang dagdag-pasahe.

Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz, mananatili ang kasalukuyang pamasahe sa jeep.

Ipinunto ni Guadiz na ang taas pasahe ay dapat sumailalim sa masusing pag-aaral at maraming konsultasyon sa mga kinauukulang ahensya.

Dagdag pa niya, dapat dumaan sa tamang proseso ng LTFRB Board ang petisyon para sa pagtaas ng pamasahe.

Dapat rin daw isaalang-alang ang ilang factors gaya ng inflation at presyo ng gasolina bago aprubahan ang fare increase.

Ang kasalukuyang minimum na pamasahe para sa mga traditional jeepney ay P13 habang P15 naman para sa modern jeepney.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *