PBBM, umaasang mararatipikahan na ngayong taon ang FTA sa pagitan ng PH at South Korea

Positibo si Pangulong Bongbong Marcos na mararatipikahan ngayong taon ang Free Trade Agreement o FTA sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

Ipinunto ni Pangulong Marcos na sa oras na maaprubahan ito, malaki ang maitutulong ng FTA na mapababa ang tariff rates sa Korean Market.

Pero sa ngayon daw hindi pa nararatipikahan ng National Assembly ng South Korea ang naturang FTA.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na maliban sa FTA, nais rin ng Pilipinas na magkaroon ng isa pang hiwalay na kasunduan sa South Korea upang hikayatin sila na payagan ang ilan sa ating mga produkto na magkaroon ng duty-free access sa merkado ng South Korea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *