Taas-sahod sa labas ng NCR, tiniyak ni SP Migz

Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na patuloy niyang isusulong ang kanyang finile na Senate Bill No. 2002 o Across-the-Board Wage Increase Act of 2023 na naglalayong itaas ang sahod ng mga nagtatrabaho sa private sectors.

Ayon sa naging pahayag ni Zubiri, asahan daw ng mga grupo ng mga manggagawa na patuloy pa rin ang pagsulong niya sa taas minimum wage na P150 pesos hindi lang sa loob ng National Capital Region (NCR).

Ito raw ay upang makapagbigay ng decent living wage sa ating mga manggagawa.

Naniniwala rin si Zubiri na hindi sapat ang dagdag P40 pesos na minimum wage sa mga manggagawa ng NCR bagkus ito ay simula pa lamang.

Kung kaya’t pumapayag daw siya sa dagdag P100 na taas sa NCR, dahil kung susumahin ang P40 pesos wage board increase at P100 pesos na legislation increase ay makakabuo rin ng P140 na hindi naman malayo sa naging proposed figure.

Dagdag pa niya, asahan daw na itataguyod rin niya ang dagdag sahod na P150 sa mga probinsya na nagsusumikap din sa pagtatrabaho katulad na lang ng mga manggawa sa Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *