Kumpyansa si Finance Secretary Benjamin Diokno na magiging operational na ang Maharlika Investment Fund bago matapos ang taong 2023.
Paliwanag ng Kalihim, naka-ready na raw kasi ang implementing rules and regulations o IRR ng panukala.
Ayon kay Diokno, sa pangalawa o sa pangatlong linggo ngayong buwan ng Hulyo mapipirmahan na ng pangulo ang final version bill ng Maharlika Investment Fund
Kasalukuyan daw itong isinasailalim sa pag-susuri sa Office of the President.