Taiwan – muling niyanig ng magkakasunod na lindol

Muling niyanig ng magkakasunod na lindol ang Taiwan.

‘Di pa rin natatapos ang serye ng mga lindol dito magmula nang yanigin sila ng magnitude 7.5 na lindol sa paguumpisa ng Abril.

Ngayong araw – naitala ang halos 10 mga pagyanig, kung saan ayng pinakamalakas ay na-record sa magnitude 6.1.

Sa kabila nito, wala namang inilabas na tsunami warning.

DMW walang naiulat na Pinoy na nasaktan sa bagong serye ng lindol sa Taiwan

Inulat ng Department of Migrant Workers o DMW na wala pa silang natatanggap na report na may Pilipinong nasugatan o nasaktan sa nangyaring magkasunod na lindol sa Taiwan kaninang umaga.

Sa kabila nito naka alerto na ang mga Migrant Workers Offices o MWO sa Taipei, Taichung at Kaohsiung, at patuloy rin na naka monitor sa sitwasyon.

Siniguro rin ng DMW na handa ang Taiwan MWO na magpa abot ng tulong sa sinumang OFW na maaaring nasugatan o naapektuhan ng lindol.

Nakikipag tulungan na rin ang DMW, Manila Economic and Cultural Office at Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa mga Filipino communities, at local authorities upang tiyakin ang kaligtasan at kalagayan ng mga OFWs na nakabase sa nasabing bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *