Tamang pagbabayad ng buwis apela ng bagong talagang BIR Chief sa mga taxpayer ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Pormal nang naupo sa pwesto nitong Miyerkules, November 16 ang bagong talagang Revenue District Officer ng Bureau of Internal Revenue sa lalawigan ng Camarines Norte sa katauhan ni Felix M. Roy.

Si RDO Roy na nangaling sa Muntinlupa City ang pumalit kay Estrella Manalo na itinalaga naman ngayon bilang Revenue District Officer ng Revenue District Office No. 59  sa Lipa City, East Batangas.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay RDO Roy binigyang diin nito na ang kaniya lang hinihingi sa mga taga Camarines Norte ay magbayad ng tamang buwis alinsunod sa slogan ngayon ng Bureau na ang pagbabayad ng buwis ay tatak ng kabayanihan.

Aniya ang ibinabayad na buwis ay napupunta sa gobyerno lalo na ngayong kailangang- kailangan ng pera para maibigay sa tao ang mga basic services.

Naniniwala umano ang opisyal na malaki ang maitutulong ng mga taxpayer ng Camarines Norte.

Hinimok din nito ang mga taxpayer ng Camarines Norte na huwag mag atubiling pumunta sa kanilang opisina para matulungan ang mga ito sa kanilang problema kasabay ang pagpapasalamat sa patuloy na pagbabayad ng tamang buwis.

Nakiusap din ito sa  lahat ng employer na gawin ang kanilang duties and obligations sa tamang pagwi- withhold, pag- remit at pagsusumite ng alpha list ng mga empleado.

Dagdag pa nito na huwag naman daw sanang ugaliin ang pag file ng returns sa tuwing deadline upang maiwasang mabulunan ang kanilang sistema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *