Tantangan, Banga sa SCot, nagpatupad ng suspension ng afternoon classes

KORONADAL CITY – MAGIGING “half day” lamang ang pasok sa lahat ng mga pampubliko na mga paaralan sa bayan ng Tantangan, South Cotabato simula kanina Abril 1 hanggang sa 15, 2024. Kaugnay ito sa ipinalabas na Executive Order o EO No.34 seires ni Tantangan Mayor Timee Joy Torres-Gonzales.

Ito ay dahil sa init ng panahon dahilan na nagpalabas ng utos na ito. Sinang-ayunan ng LGU at DepEd Tantangan ang pag-adopt sang blended at alternative learning modalities sa panahon ng suspension ng afternoon classes.

Hinihikayat ang lahat na uminom ng tubig, magdala ng payong o kalo at iwasan ang exposure sa init ng panahon. Layunin ng utos na ito ay upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral maging ng mga guro. Maliban sa Tantangan, nagpatupad din ng kagaya nitong polisya ang Bayan ng Banga batay sa EO No. 68 series of 2024 na ipinalabas ni Acting Mayor Aguinaldo Paciente na nagsimula Abril 1 hanggang Abril 15 dahil na rin sa mainit na panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *