Tarsier boy sa Polomolok, kinasuhan na!

KORONADAL CITY – ARREST warrant na lamang ang inaantay matapos nai-file ang kasong criminal ang dalawang nag-vlog na naging sanhi ng martreatment sa dalawang mga Philippine Tarsiers na itinuturing na endangered species o Other Threatened Species o OTS sa Barangay Maligo, Polomolok, South Cotabato.

Ito ang inihayag ni Department of Environment and Natural Resources o DENR-12 Regional Executive Director Atty. Felix Alicer sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan kinilala ang mga ito na sina Ryan Parreno at Sammy Estrebilla na silang nasa likod ng “Farm Boy” FB Page na siyang nag-vial sa social media dahil sa itinuturing na hindi maga da ang pagtrato ng mga ito sa nasabing mga Tarsiers.

Haharap ang mga ito sa dalawang bayulasyon sa Section 24, Paragraphs f at h ng RA 9147 o ang Wildlife Act of 20001 gayundin ang Section 20, paragraphs a at b ng RA 7586 na inamyendagan ng RA 11038 o ang mas kilala bilang Expanded National Integrated Protected Area System ukon E-NIPAS Act noong 2018.

Maliban dito, mahaharap din ang nasabing mga individual ng kaso kaugnay sa pagpuputol ng mga kahoy at iba pa na makikita sa nasabing barangay.

Umaasa naman si Alicer, na mapapangalagaan ang gaya nitong uri ng hayop na nakatira sa Protected Landsacpe dahil nadin endangered species ang mga ito.

Dagdag dito na mariming batas ang nag-gogovern sa bawat bagay na makikita sa kabundukan o di kayay kapatagan na dapat masunod ng mga Pilipino. Humihiling din ito sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad kung mayroong kaduda-dudang pangyayaro upang aga na mabigyan ng karampatang aksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *