HPG at local traffic enforcer ng Daet naglunsad ng road clearing operation malapit sa CNPH

CAMARINES NORTE – Naglunsad ng road clearing operations ang Philippine National Police Highway Patrol Group sa kahabaan ng Bagasbas road, Barangay 5 dito sa bayan ng Daet Biyernes ng umaga.

Ito ay upang masiguro na ang maayos na daloy ng trapiko at mapanatili ang kaligtasan ng mga nagmamaneho at pedestrian.

Pinuntirya ng HPG ang mga nagi- illegal parking sa kalsada partikular ang mga motorsiklong nakaparada sa tapat ng Camarines Norte Provincial Hospital.

Napipilitan kasi ang mga may motorsiklo na pumupunta sa CNPH na mag- park sa labas o sa tabi ng kalsada dahil sa kawalan din ng parking space sa loob ng ospital.

Bagamat nakatuon sa road clearing operation ay kasabay na ring ginawa ng HPG ang Anti- carnapping campaign, Oplan Sita at implementasyon ng mga umiiral na batas trapiko.

Sa naturang operasyon 41 violation ticket ang inisyu. Siyam dito ay Temporary Operator’s permit at 32 naman ang mas magaang Traffic Citations ticket.

Karamihan sa mga natiketan ay gumagamit ng unauthorized helmet at hindi paggamit ng seatbelt.

Binalikan ng Brigada News team kinahapunan ang lugar kung saan nagsagawa ng road clearing operations at dito ay makikitang balik sa normal ang lahat at marami na namang obstruction sa kalsada.

Nariyan ang mga non- permanent structure at mga motorsiklo at iba pang sasakyan na naka- park sa tabi ng kalsada tapat ng ospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *