Tatay ni Catriona maayos na ang kundisyon

Masayang ibinalita ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang fans na maayos na ang health condition ngayon ng kanyang ama.

Hindi naman inilahad ng beauty queen kung ano ang naging karamdaman ng ama na si Ian Gray.

Una nito, lumipad patungong Australia si Catriona para dalawin at muling makasama ang kanyang ama matapos nga itong magkasakit.

Sa gitna nito, nagbahagi ng larawan si Catriona na magkahawak sila ng kamay ng kanyang ama at may caption “Finally reunited with daddy,”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *