Tatlong proyekto ng LGU-Kabuntalan, pinasinayaan na

NORTHERN KABUNTALAN, MAGUINDANAO – PINANGUNAHAN nina Northern Kabuntalan Mayor Datu Umbra “Ramil” Dilangalen at Vice Mayor Mary Jane Bayam ang ground breaking ceremony ng tatlong mga proyekto ng Lokal na Pamahalaan kamakalawa ng umaga.

Ito ay ang konstruksyon ng Balay Silangan, Operation Center at stage na ilalagay sa gymnasium ng bayan. Sinabi ni Mayor Dilangalen na mismo ang Lokal na Pamahalaan ng bayan ang naglaan ng pondo para sa nasabing mga proyekto na inaasahang matatapos sa lalong madaling panahon.

Tuloy-tuloy din ang mga ginagawang concreting ng mga kalsada o barangay road gayundin ang iba pang mga imprustruktura sa bayan.

Nais ng alkalde na ipakita sa mga residente ng bayan ng Northern Kabuntalan na laging nariyan ang LGU na handang tumulong at umalalay sa kanila sa hangaring mapaunlad pa ang pamumuhay ng mga ito. Ang mga ganitong proyekto ay pagpapakita lamang anya ng totoong serbisyo para sa mga mamamayan ng Northern Kabuntalan na bago lamang nagkaroon ng IRA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *