Tax Collection ng Albay umabot sa 24.66%-BIR Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Arnel Cosinas ng Revenue District Officer (RDO) 67 ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Bicol na nilampasan pa rin ng lalawigan ng Albay ang target goal nito sa tax collection sa taong 2020.

Ayon kay Cosinas, lagpas sa 24.66% ang nakuhang target goal tax collection ng Albay na kung saan nakakolekta ito ng P2.9B sa taong 2020.

Aniya, aabot lang kasi sa P2.3B ang target goal collection nito para taong sa 2020.

Dahil dito hinirang ang nasabing lalawigan bilang Top 1 Performing in the Regions pagdating sa tax collection ng BIR.

Ipinaliwanag rin nito kung bakit kinakailangan kolektahin ng pagbabayad ng buwis ay dahil ito ang pamantayan o nasaan na nga ba ang lalawigan pagdating sa tax compliance at tax collection ang isang lalawigan.

Ayon pa sa ahensya kapag na meet ang target collection ay napupunan ang requirements ng gobyerno para sa mga gastusin ng bansa.

Maliban pa rito kapag malaking halaga ng buwis ang malilikom ng pamahalaan ay maraming serbisyo rin ang maibibigay sa mga mamamayan.

Dagdag pa nito may mga negosyo na rin sa Albay na muntikan nang maipasara o for closure ang isang negosyo kung saan agad naman itong nakapagbayad sa BIR.

Positibo rin ang tanggapan na mas mahihigitan pa o malalampasan pa rin nito ang target goal tax collection nito para sa taong 2021 ay dahil sa responsable din naman ang mga tax payers sa Albay.

Sa ngayon ay nakakalahati na ng tax collection ang lalawigan kung saan umabot na sa P1.68B para sa unang semeter sa taong 2021.

Samantala, aprobado na rin Pangulong Rodrigo Duterte ang CREAT LAW kung pinaliit o pinababa ang corporate income tax mula sa 30% na ngayon ay magiging 20 hanggang 25 % na lamang ngunit depende rin sa kalakihan ng tax all income.

Kasama rin sa binigyan sa Creat law ang mga non vax tax payer kung saan magiging 1% na lamnag ito mula sa 3% ngunit hanggang sa katapusan ng June 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *