Taylor Swift, opisyal na dineklarang bilyonaryo ng Forbes

Opisyal na dineklara ng Forbes na si Taylor Swift ang pinakabagong miyembro sa listahan ng mga pinakamayayamang tao sa mundo.

Nakapasok kasi ang Pop star sa Forbes World’s Billionaires List sa unang pagkakataon matapos nitong makapagtala ng kayamanang tinatanyang $1.1bn o P62 billion.

Isa lang si Swift sa mga naitalang 2,781 na bilyonaryo sa taong 2024.

Kabilang rin sa listahan ang mga businessman na sina Sam Altman ng OpenAI, Tesla at X owner na si Elon Musk, at Amazon owner Jeff Bezos.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *