Temporary suspension sa pagbiyahe ng mga maliliit na bangka sa Camarines Norte lifted na

CAMARINES NORTE- Lifted na ang temporary suspension sa pagbiyahe ng mga mga bangkang 250 G.T. pababa na ipinatupad simula kahapon dahil sa Low Pressure Area.

Batay ito sa panibagong Notice to Mariners na ipinalabas kagabi ni LTJG Ronnie Rey Pabico, Acting Station Commander ng Coast Guard- Camarines Norte.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet ipinaliwanag ni Pabico, na ang weather forecast ng Pagasa kanilang basehan sa suspension o sa lifting ng biyahe ng mga sasakyang pandagat mapa- barko man o maliit na bangka.

Mababatid na nagpalabas ng Notice to Mariners ang PCG kahapon ng umaga upang maiwasan ang mga maritime incident na posibleng mangyari.

Sa kabila nito tuloy- tuloy naman ang biyahe ng pampasaherong bangka sa bayan ng Mercedes.

Ani Pabico ligtas naman umano ito dahil bukod sa nasa loob ay hindi naman inaabot ng 30 minuto ang biyahe.

Samantala, inihayag rin ni Pabico na walang na na-stranded na turista sa Calaguas island na nagtungo rito noong weekend.

Bago pa man magpalabas ng Notice to Mariners ay nakaalis na sa isla ang mga turista na nagtungo noong weekend.

Sa datos ng PCG 1, 320 turista ang nagtungo sa naturang isla hindi pa man natatapos ang Hunyo habang 152 naman sa Apuao island na bahagi ng siete pecados o 7 islands ng Mercedes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *