Thailand, hiniliing ang travel bubbles sa China, Malaysia

Makikipagpulong ang Thailand hinggil sa travel bubble arrangements sa China at Malaysia ngayong buwan, bilang bahagi ng kanilang hakbang na mapaigting ang steady recovery sa kanilang mahahalagang tourism sector.

Mababatid na ang Thailand ay nakatanggap ng record na halos 40 million foreign visitors noong 2019 – mahigit quarter ng sa China – pero ang arrivals ay bumagsak sa halos 0.5% noong nakaraang taon, dahil sa mahinang external demand at mahigpit na quarantine at entry requirements.

Kaugnay nito, nagtamo ang Southeast Asia’s holiday hotspots ng bilyon na kalugian sa mga negosyo mula sa kakulangan ng turista mula sa mainland China, na sa ngayon ay hindi pa pumapayag para sa travel bubble arrangements.

Sa naturang agreement kasi sa Thailand, matutukoy ang bilang ng mga taong papayagang kapalit, kabilang ang protocols para sa visas, travel, at insurance. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *